Statements
Tagumpay sa Gitna ng Pagkatalo
Ipinaaabot ng Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa UP) ang pinakamataas na pagpupugay sa lahat ng Iskolar ng Bayan na nakiisa sa ating laban sa nagdaang BOR Meeting noong Huwebes, Setyembre 20. Laksa-laksang bilang ng mga mag-aaral mula sa UP Diliman, UP Manila, at UP Los Banos ang nagsagawa ng pagkilos sa kani-kanilang campus at nagtungo sa Quezon Hall upang ipakita ang mariing pagtutol sa mga karagdagang singil sa laboratoryo, partikular na ang PE Lab Fees, at ang disgusto at pagnanais na maipabasura ang kasalukuyang mapaniil na iskema ng Bracket B Certification.
Ikinagagalak po nating lahat ang pagkaudlot ng paniningil ng karagdagang bayarin sa mga kurso sa Kolehiyo ng Musika at ang pagpigil sa ganap na implementasyon ng PE Lab Fess sa darating na semestre. Bagama’t pansamantala lamang ang mga tagumpay na ito, hindi tayo magsasawang igiit ang nakikita nating kamalian sa ganap na implementasyon nito sa mga susunod pang panahon.
Sa kabilang banda, ipinagwalang-bahala ng BOR ang mosyon n gating rehente ng mga mag-aaral patungkol sa kasalukuyang Bracket B certification Scheme na ipinatutupad sa pamantasan na nakatali sa Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) na siya namang epektibong nagpataas ng matrikula sa unibersidad. Sa nasabing iskema, itinaas ang base tuition ng pamantasan nang halos 50% sa pamamagitan ng pagpapalit ng default bracket mula sa Bracket B patungong Bracket A.
Naging mistulang araw rin ito ng pagluluksa para sa mga kasama nating Iskolar ng Bayan na nagmula pa sa UP Cebu at tumungo sa Quezon Hall, UP Diliman upang irehistro ang kanilang oposisyon sa pagpataw ng karagdagang singil sa laboratoryo para sa asignaturang MGT 186. Sa nasabing BOR Meeting, kagyat na inaprubahan ang nasabing lab fee na kinikilala ng mga mag-aaral sa UP Cebu na ni hindi man lang dumaan sa makatarungang proseso ng konsultasyon at siyang nagtataglay ng maanomalyang kompyutasyon. Banggit pa sa atin ng mga delegado ng UP Cebu na hindi lamang sila nalulungkot dahil sa mataas nilang bayarin bagkus sila’y nalulungkot sapagkat maaari itong maging basehan para sa patuloy pang pagpataw ng mga karagdagang bayarin sa mga Iskolar ng Bayan.
Katulad ng manipulasyon ng Bracket B Certification noong nakaraang pang-akademikong taon, hindi naging malawakan ang naging konsultasyon sa mga estudyante at hindi naging komprehensibo ang naging pag-aaral hinggil sa MGT 186 lab fee ng UP Cebu at nang iba pang bayaring nais ipatupad ng Administrasyon.
Nagpapatunay na ang pagpapatuloy ng bulok na iskemang Bracket B Certification sa STFAP at minadaling pag-apruba ng pagpataw ng singilin sa MGT 186 ay manipestasyon ng unti-unti, kung hindi man tuluyang, paglayo ng Unibersidad ng Pilipinas sa pinakamalawak na bilang ng mga kabataang Pilipinong nagnanais makapag-aral.
Kung kaya naman isang malaking hamon ito sa hanay ng mga Iskolar ng Bayan upang higit pang magpalawak at magpalaka upang maiparating sa sangkaestudyantehan, kaguruan, kawani, at mga administrador ang obhetibong sitwasyon ng edukasyon sa UP – isang edukasyong komersyalisado, kolonyal, at pasista.
Hindi natatapos ang mobilisasyon ng mga mag-aaral hangga’t nagpapatuloy ang pagpapasa ng mga palisiyang hindi maka-estudyante at lalong hindi maka-mamamayan.
Sa dulo’t dulo, naniniwala tayong tanging sa pagsusulong lamang ng isang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon makakamit ng ating pamantasan ang tunay nitong mandato bilang isang pamantasan ng bayan na may tunguhing paglingkuran ang sambayanan.
IBASURA ANG BRACKET B CERTIFICATION SCHEME!
ITIGIL ANG PAGTATAAS NG MATRIKULA AT IBA PANG BAYARIN!
ITIGIL ANG KOMERSYALISASYON NG EDUKASYON!
ISULONG ANG ISANG MAKABAYAN, SIYENTIPIKO, AT MAKAMASANG EDUKASYON!
A Petition to Junk
[RA 10175] or the Cybercrime Law of 2012
Office of the Student Regent |
KASAMA sa UP | UP SOLIDARIDAD
We, the Office of the Student Regent, KASAMA sa UP, UP SOLIDARIDAD and the whole UP community, declare our opposition on the [RA 10175] or the Cybercrime Law of 2012. The law poses as an attack on the freedom of expression and other civil liberties of the Filipino people.
The specific provisions such as “online libel”, which was inserted by Sen. Vicente Sotto III, hides under the guise of “warding off hacking, identity theft” among others, but actually targets online dissidents.
We fear that the enactment of the said law will suppress those who speak-up and those who expose the current condition of the country, deeming it as a form of “e-Martial Law.”
The law will give immense power to the Government to shut down websites and collect data-traffic which is against the privacy and the right to information.
We condemn the Aquino Administration for the passing of the law and the ever worsening state-repression that students and the other sectors of the country experience under the regime. The Cybercrime Law and programs such as Oplan Bayanihan legitimizes the state’s further repression on the people.
We call for the UP studentry and the whole UP Community to join the petition to junk the Cybercrime Law, to join the protest action at the Supreme Court en banc session on October 9, 2012, 10:00am.
We also call to build a collective initiative, an alliance within the university against the Cybercrime Law.
Let us act together against a repressive law and uphold our civil liberties.
JUNK THE CYBERCRIME LAW OF 2012!
NO TO STATE REPRESSION!
UPHOLD THE FREEDOM OF EXPRESSION!
A Battle Yet To Be Won
October 12, 2012
Last September 12, Pres. Noynoy Aquino signed the Cybercrime Prevention Act into law. Bound to public scrutiny, it has been a month since it initially created noise both in the international and local social scene. Divisive as it is, this state propaganda has created factions among the citizenry.
The Supreme Court, in its en banc session last Tuesday, October 9, unanimously issued a Temporary Restraining Order (TRO) against the implementation of the Cybercrime Prevention Law (RA 10175). It is undeniable that such ruling resulted from the 15 petitions which were filed before the judiciary and the undying clamour of the people calling for the junking of the said law.
The dark days during Marcos’ dictatorship, after 40 years, has definitely taken a renewed form in the Cybercrime Prevention Law which many people deem as e-Martial Law. With the railroaded approval by the Aquino Government, massive online protest such as blacked out profile pictures, critically assertive status messages, and petition dissemination over the internet have become the people’s response. Then again, we do recognize that these retaliations would only take us so much unless we bring our fight onto the streets with offline mass mobilizations. Time and again, we have succeeded in exposing the government’s sugar-coated fascism.
With the issuance of the TRO, it is undeniable that our unity against the repressive law has borne fruit. Sad to say, such ruling will only give us a 120-day breather before the full implementation of the unjust, unconstitutional state policy. Victory it is; but, the threat to our rights still remains.
At a time when the government still fails to alleviate the living conditions of many Filipinos, it is crucial for us to analyze the passage of such law critically. Also, it is a fact that many of our current laws and policies are problematic and are geared towards the benefit of only a few. With the persistence of diverse forms of oppression in the present Philippine society, the relevance of the Cybercrime Prevention Act stays in question.
The Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa UP) firmly believes that this is just one of the many attacks of the Aquino Administration towards our basic rights and civil liberties taking form as part and parcel of reform platforms under the banner of Daang Matuwid. Now, more than ever, we have to strengthen the unities we have already made. We must not falter from exposing the deteriorating situation of our country especially its government. We must not let anything hinder us from organizing our ranks in advancing our democratic rights as a nation. Let us continue with our struggle to push further a just and humane society.
Iskolar ng Bayan, our calls remain:
JUNK THE CYBERCRIME LAW!
IPAGLABAN ANG ATING KARAPATAN SA MALAYANG PAMAMAHAYAG!
ISABATAS ANG MGA PALISIYANG MAKABAYAN, SIYENTIPIKO, at MAKA-MAMAMAYAN